Dumating ang grupo ni G. Ricky Ledesma para sa pagtatasa sa planong Triathlon na gagawin sa BonPen. Naatasan ni Gov. Jay Jay Suarez si Bokal Bunso upang pamunuan ang kauna-unahang Triathlon sa BonPen at maging sa Quezon. Nagtungo ang inspection team sa bayan ng Padre Burgos, Agdangan at Unisan upang maghanap ng posibleng pagdadausan ng swimming, biking at running. Buo ang suporta ni Bokal Bunso upang maisakatuparan ang gawaing ito upang higit na mapalakas ang turismo sa lalawigan.
No comments:
Post a Comment