Wednesday, May 30, 2012

3Ps o Pahiram Puhunan Program Inilunsad

          Sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ni Bokal Bunso, inilunsad ang "3Ps o Pahiram Puhunan Program" na bahagi ng Nego-Diskarte o livelihood program ni Bokal.

          Isa sa mga nakatanggap na benepisyaro ang Samahan ng Magsasaka Para sa Kaunlaran (SAMAPKA) ng San Vicente, Catanauan, Quezon.  Sila ay nabiyayaan ng P15,000.00 para pandagdag puhunan sa kanilang sinimulang tindahan (P10,000.00) at Botika sa Barangay (P5,000.00).  

          Ang 3P's na programa ni Bokal Bunso ay naglalayong makapagsimula ng negosyo ang isang samahan o indibidwal.  Katulad din ng ibang financing institusyon, kinakailangang dumaan sa proseso ang mga nagnanais na maging benepisyaryo kagaya ng screening, basic orientation at imbetigasyon.   Ito ay zero interest, subalit kinakailangang makapagbayad sa takdang panahon.

          Ang proyektong ito ay patuloy pa rin sa ilalim ng NEGO DISKARTE ni Bokal Bunso.





No comments:

Post a Comment