Ang Negosyo Diskarte ay programang pangkabuhayan ni Bokal Bunso. Ito ay may tatlong (3) bahagi:
1. Nego Diskarte Kaalaman
2. Pahiram Puhunan Program (3Ps), at
3. Make-Over Program
Nego-Diskarte Kaalaman
Sumahimpapawid noong Nobyembre 2010 hanggang January 2012 sa Radio Natin BonPen 104.09 sa bayan ng Catanauan ang programang NEGO DISKARTE tuwing una at ikatlong Sabado ng buwan mula 8:30-9:30 ng umaga.
Kasama ni Bokal Bunso na main anchor ng programa sina Rogel Dioquino o "Kuya Dowe" at si Menandro Capule o "Cool Em". May apat na segment ang programa, ito ay ang:
Money Obra ni Bokal Bunso
Puhunan 101 ni Cool Em
Tatak BonPen ni Kuya Dowe, at
Tanong Kabuhayan
Ang programa ay nagbibigay kaalaman kung paano mapapaunlad ang katatayuang pananalapi ng bawat isang mamamayan sa pamamagitan ng pag-impok at pag-invest. Nagpabatid din ng mga pamamaraan kung paano magtayo ng negosyo, paano makipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno maging sa pribadong sektor, at higit sa lahat ay ang pagbibigay inspirasyon ng mga kababayan natin sa BonPen na nagmula sa kahirapan subalit nakamit ang kaginhawahan sa pamamagitan ng pagsusumikap (Rags to Riches).
Patuloy ang Nego Diskarte Kaalaman sa iba't ibang mga paaralan, grupo o organisasyon, maging sa kabataan na humihiling ng mga pagsasanay sa iba't ibang larangan kagaya ng table skirting, catering, bar tending, soap-making, food processing, cosmetology, reflexology, atbp.
Pahiram
Puhunan Program (3Ps)
Ang 3Ps ay isa sa bahagi ng Nego-Diskarte na tumutulong sa mga kwalipikadong indibidwal at organisasyon sa pamamagitan ng pagpapahiram ng puhunan upang makapagsimula o pandagdag sa kanilang kapital.
Para sa mga nagnanais na maka-avail ng Pahiram Puhunan, sundan ang prosesong ito:
Fill-up Application Form (makukuha kay K.Dowe sa Parudev)
Screening
Credit Investigation
Pagdalo sa Orientation
Signing of Memorandum of Agreement (MOA)
(Note: Hindi lahat ng nag-apply ay nangangahulugang kwalipikado, ito ay tinatasa ng mga eksperto sa pagpapaluwag ng capital.)

Make-Over
Program
Ang Nego-Diskarte ay may component din ng pagbibigay ng bagong anyo sa mga tindahan o negosyo sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga sinage, paglilinis o pagpipintura, pagsusuot ng tamang uniporme, apron at iba pang angkop sa inyong kabuhayan.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kina:
Kuya Dowe - (0922) 842 - 7513
Rhoda - (0922) 816 - 2012

No comments:
Post a Comment