Kilala bilang Share-A-Wisdom o Salin Kaalaman ang programang edukasyon ni Bokal Bunso.
Malapit sa puso ni Bokal Bunso ang sektor ng mga Kabataan (kung saan siya ay nagmula) at ang programang Edukasyon.
Taong 2005, sinimulan ni Bokal Bunso ang SHARE-A-WISDOM MASTERMIND FOUNDATION, sa tulong ng kanyang mga kaibigan, ito ay pormal na nairehistro sa Securities and Exchange Commission noong taong 2008 (SEC Reg. No. CN 200806924). Nagsimula sa 20 scholars sa kolehiyo sa PUP Mulanay hanggang lumaganap sa iba pang paaralan kagaya ng PUP Unisan, PUP Gen. Luna, SLSU, Enverga Catanauan, Aceba, Southern Luzon Academy at Catanauan National High School na ngayon ay mahigit kumulang 700 kabataan na ang natutulungan makapag-aral at makapagtapos.
Si Bokal Bunso rin ang naging author ng SCHOLARSHIP ORDINANCE ng Pamahalaang Panlalawigan na pinatutupad ni Gov. JayJay Suarez at pinakikinabangan ng mahigit 5,344 Scholars sa buong lalawigan.
Bukod sa scholarship grant, nagbibigay din ng mga seminars at trainings ang Tanggapan ni Bokal Bunso sa mga kabataan, kababaihan, sanggunian, at iba pang sektor.
Matatandaan na si Bokal Bunso ay naging Pangulo ng Sangguniang Kabataan at naging PESFA Scholar din na siya niyang naging inspirasyon sa pagpapatupad ng mga programang nabanggit.
No comments:
Post a Comment