"Health is Wealth" ayon sa isang kasabihan. Kung kaya't ang Tanggapan ni Bokal Bunso ay nagpapahalaga sa Kalusugan sa pamamagitan ng mga sumusunod na programa:
BOTIKA SA BARANGAY
Medical Referral Program
Health Coupon Assistance
Botika sa Barangay
Paglalagay ng mga kalidad at murang gamot sa malalayong barangay sa Bondoc Peninsula ang isa prioridad ni Bokal Bunso. Sa halagang Limang Libong Pisong (P5,000.00) gamot nagsisimula ang mga Botika sa Barangay. Ito ay kinapapalooban ng mga generic at over the counter na mga gamot kagaya ng paracetamol, mefenamic acid, cold and cough relief atbp.
Sa kasalukuyan, mayroon ng mga Botika sa Barangay sa mga sumusunod na lugar:
Brgy. Tulay Buhangin, Padre Burgos
Brgy. Dayap, Agdangan
Brgy. Panaon, Unisan
Brgy. Sumag-este, Pitogo
Brgy. Olong-tao Ibaba, Macalelon
Brgy. San Isidro Ibaba, Gen. Luna
Brgy. San Vicente Kanluran, Catanauan
Brgy. Patabog, Mulanay
Brgy. Bukal, Buenavista
Brgy. Busok-Busokan, San Narciso
Brgy. Casay, San Francisco
At magbubukas ngayong susunod na buwan sa mga lugar kagaya ng:
Brgy. Olong-tao Ilaya, Macalelon
Brgy. Maligaya, Buenavista
San Francisco
San Andres
Sa mga barangay o samahan na nagnanais maglagay ng Botika sa Barangay, maaring kumuha ng requirements sa opisina, hanapin lamang si Sheila Aranilla o tumawag sa (0922) 816 - 1959.
Medical Referral Program
Simula ng maging Tagapangulo ng Budget sa Sangguniang Panlalawigan si Bokal Bunso, kanyang minungkahi na ang paglalagay ng medical referral o assistance para sa mga may sakit at nangangailangan (namatayan, nasunugan, atbp.)
Sapagkat, hindi pinapayagan ng batas na sila ang derektang mamahala dito, nakalagay ang pondo nito sa Provincial Social Welfare Development Office (PSWDO), kung saan tinutukoy nila ang mga kababayang nangangailangan. Aminado ang mga bokal na kailangang ayusin pa ang sistema ng mabilis na pagrerelease ng tulong nito para sa ating mga kababayan kaya't ito ay kanilang pinag aaralan.
Para sa mga pasyente o may ibang pangangailangan, ito po ang requirements:
I.D. o Barangay Certificate o Sedula
Medical Abstract at Billing
Social Case Study (galing sa MSWDO)
Health Coupon Assistance
Ang Health Coupon ay bahagi ng Serbisyong Suarez sa kalusugan ni Gov. JayJay Suarez, na may P200.00 halaga kada coupon na maaaring gamitin ng pasyente sa pampublikong pagamutan sa Lalawigan ng Quezon, maaaring ipambili ng gamot, pambayad sa hospital bills o ilang laboratoryo.
Para sa mga medical, dental at optical missions, bumisita sa Tanggapan ni Bokal Bunso.
No comments:
Post a Comment