Katuwang ni Bokal Bunso si Congresswoman Aleta Suarez sa kanyang pagpapatupad ng Unlad Barangay at Agrikultura, sila ay sabay na bumisita sa bayan ng San Francisco. Lahat ng 16 na barangays ng nasabing bayan ay nakatanggap ng 50 supot ng semento buhat sa Serbisyong Suarez at 20 supot ng semento naman mula sa i love BUNSO Program.
Ipinaliwanag ni Bokal Bunso sa bawat barangay ang mga tungkulin ng isang bokal o kinatawan sa Sangguniang Panlalawigan. Ganoon din ang iba't-bang programa niya sa distrito na nakapaloob sa i love B.U.N.S.O. na ang ibig sabihin ay:
B - onPen Tuklasin (Tourism and Environment)
U - nlad Barangay at Agrikultura (Barangay Dev't. and Agriculture)
N - ego Diskarte (Livelihood)
S - alin Kaalaman (Education and Youth)
O - plan Kalusugan (Health)
Naging panauhin din si Bokal Romano Franco Talaga ng Ikalawang Distrito ng Quezon.
No comments:
Post a Comment