Muling nagtipon ang BonPen Tourism Council (BPTC) sa pangunguna ni Bokal Bunso de Luna-Pasatiempo, ang taga-pangulo nito, upang pag-usapan ang panukalang kauna-unahang "Triathlon" sa BonPen. Naging panauhin si Provincial Administrator Rommel M. Edaño Jr., na dating Co-chairperson ng BPTC, at kanyang ibinalita ang ninanais ni Gov. David C. Suarez ang pagkakaroon ng ganitong gawain sa BonPen.
Naging bahagi din ng pagpupulong ang pag uulat ng bawat bayan sa kanilang mga proyekto, ordinansa at mga programang pang turismo at pang kalikasan. Maligayang ibinalita ng mga kinatawan ng iba't ibang bayan ang pagsasaayos ng pagpapatupad ng ordinansa laban sa pagamit ng plastik. Ito ay may kaugnayan sa Clean and Green Program na muling inilunsad ng BonPen Tourism Council noong nakaraang 2010.