Nagluto ang Knorr model na si Chef Tristan noong nakaraang "Kulinarya sa BonPen" na ginanap sa Resma, Unisan bahagi ng BonPen Festival.
Pangarap ni Bokal Bunso na palawakin ang kulinarya at mga pagkain sa BonPen upang pagdating ng takdang panahon, marami ng maiipagmalaking pagkain ang BonPen sa mga turista. Ito naman ay sinang-ayunan ni Cong. Suarez na nagmungkahi ng pagluluto ng Kambing at Bengala bilang mga bagong putahe o ulam.
Ito ay sinalihan ng mga propesyunal at estudyante sa iba't ibang kolehiyo.
Chef Tristan |
with Cong. Danny and Bokal Bunso |
QNAS, CSTC, CEFI, HRM Students |
Calayan Educational Foundation (CEFI) |
Nagwagi sa Student
Division ang mga sumusunod: First at Second Placer ang Calayan Educational Foundation (CEFI), Third Placer naman ang Quezon National Agricultural School (QNAS). Para sa Professional Division, ang mga nanalo ay: Unisan KALIPI - First Place, DepEd-LGU Macalelon - 2nd Place at QNAS ang Third Place.
No comments:
Post a Comment