Saturday, October 29, 2011

Takbo at Padyak Para sa Kalikasan (Fun Run & Fun Ride for the Environment)

        Naging matagumpay ang Kaunaunahan Fun Run at Fun Ride na isinagawa sa BonPen.   Pinangunahan ni Bokal Bunso at Kon. PJ ng Pitogo ang nasabing masayang takbuhan na dinaluhan ng mahigit 3,000 runners at riders mula sa iba't ibang bayan ng Quezon at karatig lalawigan maging mga taga Metro Manila.

           Nagkaroon ng takbo para sa 3K, 5K, 10K at 21K.   Nagsimula sa Petron at nagtapos sa Quezelco I sa Pitogo habang ang Fun Ride naman ay pinangunahan ni PA Rommel EdaƱo at ng Quezon Bikers Club.  












Chef Tristan nagluto sa BonPen

          Nagluto ang Knorr model na si Chef Tristan noong nakaraang "Kulinarya sa BonPen" na ginanap sa Resma, Unisan bahagi ng BonPen Festival.

       Pangarap ni Bokal Bunso na palawakin ang kulinarya at mga pagkain sa BonPen upang pagdating ng takdang panahon, marami ng maiipagmalaking pagkain ang BonPen sa mga turista.  Ito naman ay sinang-ayunan ni Cong. Suarez na nagmungkahi ng pagluluto ng Kambing at Bengala bilang mga bagong putahe o ulam.

          Ito ay sinalihan ng mga propesyunal at estudyante sa iba't ibang kolehiyo.         




Chef Tristan
with Cong. Danny and Bokal Bunso









QNAS, CSTC, CEFI, HRM Students
Calayan Educational Foundation (CEFI) 


          Nagwagi sa Student Division ang mga sumusunod:  First at Second Placer ang Calayan Educational Foundation (CEFI), Third Placer naman ang Quezon National Agricultural School (QNAS).    Para sa Professional Division, ang mga nanalo ay:  Unisan KALIPI - First Place, DepEd-LGU Macalelon - 2nd Place  at QNAS ang Third Place.

Friday, October 28, 2011

Konsyerto Para sa Kalikasan

          Ginanap ang "Konsyerto para sa Kalikasan" sa Dulong Bayan Elementary School, Pitogo, Quezon nong nakaraang Oktubre 28, 2011.   Nag perform ang bandang "Kalayo" at iba pang banda na nagmula sa Maynila.

             Kalikasan ang tema ng konsyerto kung saan ang himig at mga gamit sa pagtugtog ay kakaiba sa pandinig.  Ang bandang Kalayo ay naglalayong magbigay inspirasyon sa pamamagitan ng musika ang pag-aalaga at pagmamahal sa inang kalikasan.




Monday, October 24, 2011

Mga Pinagmamalaking Produkto sa BonPen

         Ang Agri-Tourism Trade Fair ay bahagi ng BonPen Festival 2011.  "Layunin nito na mas maipakilala ang mga produkto ng bawat bayan na pwedeng mabili ng mga turista sa mga pasalubong centers at maipagmalaki sa buong mundo", ito ang sinabi ni Bokal Bunso sa pagbubukas ng nasabing gawain.

          Ang bawat bayan ay nagsumite ng tatlong (3) pangunahing produkto na hinatulan ng mga hurado na nagmula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor.
                       
Padre Burgos - rafia o buri products, Insumix at mga wood products
Agdangan - basket, bayong at bag na nagmula sa banig
Unisan - dinilawang manok, luyang dilaw at atsara
Pitogo - parol, handicrafts at mga kakanin/pagkain
Macalelon - tikoy, seafood at mga gulay
Gen. Luna - pinya (fresh at processed), tuyo, uraro 
Catanauan - uraro, kalumpit wine, at tapa
Mulanay - uraro, pakwan,
San Narciso - dried fish o tuyo, suka at coco sugar
San Andres - ube 
San Francisco - mais
Buenavista - ginto, alahas