Isa sa mga proyekto ng pamahalaang panlalawigan ang Health Coupon kung saan ang bawat barangay ay may alokasyon na P25,000-P50,000 kada taon para magamit ng ating mga kababayang may sakit na pambili ng gamot o pambayad sa serbisyong medikal sa mga pampublikong pagamutan. Ito ay bahagi ng Serbisyong Suarez sa Kalusugan.
Ipinapaliwanag ni Bokal Bunso ang kahalagahan nito at ang pagsuporta nya sa programang ito. Maaari din lumapit sa Tanggapan ng mga Bokal na kagaya nya, sila rin ay may nakalaan na alokasyon para dito. Si Bokal Bunso rin ang nagtatanggol sa pagpapa-approve ng budget nito sa Sangguniang Panlalawigan.
Matatandaang si Bokal Bunso din ang author ng Scholarship Ordinance sa Sangguniang Panlalawigan na nagmungkahi ng 3 scholars kada barangay sa kada taon. Malaki ang paniniwala ni Bokal sa nasabing programa bilang sya mismo ay produkto ng isang scholarship program ng pamahalaan (PESFA).
No comments:
Post a Comment