Thursday, June 30, 2011

State of the Province Address (SOPA) ng Lalawigan ng Quezon

     Ginanap ang pinagsamang session ng Sangguniang Panlalawigan, 2 Sang. Panglungsod at 39 na Sang. Bayan para sa inagurasyon at pag-uulat ng punong ehekutibo, Kgg. David C. Suarez para sa kanyang mga nagawa at mga gagawin pa sa susunod na mga taon.

          Isa si Bokal Bunso sa sumundo sa gobernador bago mag-ulat bilang kinatawan ng Ikatlong Distrito at Assistant Floor Leader ng Sangguniang Panlalawigan.  Siya rin ang tinalagang Chairperson ng Komitiba ng Budget at Komitiba ng Tourism.   






Saturday, June 11, 2011

Health Coupon Ipinamahagi, Orientation ng Scholars Isinagawa

               Isa sa mga proyekto ng pamahalaang panlalawigan ang Health Coupon kung saan  ang bawat barangay ay may alokasyon na P25,000-P50,000 kada taon para magamit ng ating mga kababayang may sakit na pambili ng gamot o pambayad sa serbisyong medikal sa mga pampublikong pagamutan.   Ito ay bahagi ng Serbisyong Suarez sa Kalusugan.

          Ipinapaliwanag ni Bokal Bunso ang kahalagahan nito at ang pagsuporta nya sa programang ito.   Maaari din lumapit sa Tanggapan ng mga Bokal na kagaya nya, sila rin ay may nakalaan na alokasyon para dito.  Si Bokal Bunso rin ang nagtatanggol sa pagpapa-approve ng budget nito sa Sangguniang Panlalawigan.

       Matatandaang si Bokal Bunso din ang author ng Scholarship Ordinance sa Sangguniang Panlalawigan na nagmungkahi ng 3 scholars kada barangay sa kada taon.   Malaki ang paniniwala ni Bokal sa nasabing programa bilang sya mismo ay produkto ng isang scholarship program ng pamahalaan (PESFA).







Tuesday, June 7, 2011

Unlad Barangay sa Agdangan

          Isinagawa ang Distribution of Barangay Development Projects sa bayan ng Agdangan noong nakaraang June 7, 2011.   Inihatid ni Bokal Bunso ang mga kahilingan ng iba't ibang barangays, paaralan at ilang samahan na may mga kahilingan kagaya ng feeding program, sports materials, monoblock chairs, pintura at construction materials para sa pagpapagawa ng iba't ibang gawaing pambarangay.



















Friday, June 3, 2011

Bokal Bunso Kaisa ng mga Kabataan

        Naimbitihan si Bokal Bunso de Luna sa nakaraang Congress of Newly Elected Sangguniang Kabataan Officials noong Hunyo 2-3, 2011 sa Nawawalang Paraiso Resort , Tayabas, Quezon. 

       Limang (5) Bayan mula sa Ikatlong Distrito (Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Macalelon at Gen. Luna) ang sabay-sabay nagsagawa nito sa pamumuno ng Department of Interior and Local Government (DILG).

              Tinalakay ni Bokal Bunso ang paksang "Pamumuno o Leadership".   Ibinahagi nya ang kanyang 6 na taong karanasan sa pamumuno sa sektor ng kabataan at ang kanyang mga prinsipyo at panuntunan sa buhay.