Sa gitna ng Bagyong Ofel ay tuloy pa rin ang programang i love B.U.N.S.O.
Hindi nagpapigil ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay mula sa 39 na barangays ng Pitogo sa pangunguna ng kanilang mga kapitan kasama ang ilang samahan kagaya ng day care workers, KALIPI, 4Ps at PTA sa inihandang pamamahagi ng Unlad Barangay at Agrikultura sa kanilang bayan.
Ilan sa kanilang mga kahilingang natanggap ay semento, yero, jetmatic pump, weighing scale, toilet bowl, durabox, nebulizer, BP apparatus, pintura at monoblock chairs.
Naging katuwang din sa nasabing programa ang Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultura sa pamamahala ni G. Roberto D. Gajo na namahagi ang din ng kagamitang pansaka kagaya ng knap sack sprayers para sa 39 na barangay ng Pitogo.