Ginanap ang public at committee hearing para sa proposed Quezon Tourism Council Ordinance na pinangunahan ni Bokal Bunso na author ng nasabing ordinansa at dinaluhan ng mga Municipal/City Tourism Officers at Sangguniang Bayan/Panglungsod ng 39 na bayan, 2 siyudad, at mga kinatawan mula sa iba't ibang ahensya kagaya ng DILG, DTI, DepEd, PNP, PPDC, LTO, Bureau of Immigration, mga nagmula sa NGOs, at iba't ibang tourism stakeholders.
Masusing tinalakay ang bawat probisyon ng nasabing ordinansa. Nilalayon nito na magkaroon sa apat (4) na distrito ng kanya-kanyang tourism council upang higit na matutukan ang bawat konseho, at ito ay kikilalanin bilang:
Sierra Pacific Tourism Council - Unang Distrito
Banahaw Tourism Council - Ikalawang Distrito
BonPen Tourism Council - Ikatlong Distrito
Lamon Bay Tourism Council - Ika-apat na Distrito
Sa kasalukuyan, ang Ikatlong Distrito pa lamang mayroong konseho at ito ay ang BonPen Tourism Council. Kasama rin sa probisyon ng ordinansa ang paglalagay ng Provincial Tourism Council, ang pagkakaroon ng Annual Tourism Congress at ang Tourism Executive Management Committee (TExtManCom) na siyang pinaka-working core group.