Saturday, June 30, 2012

Magtatanim Ako!

         Ito ang naging tema ng matagumpay na proyektong 2 Million Mangroves in 1 Day o mas kilala bilang 2in1 ng Pamahalaang Panlalawigan.  Buo ang suporta ni Bokal Bunso sa proyekto na ito ng Lalawigan na pinangunahan ni Gov. JayJay Suarez at Provincial Administrator Rommel M. EdaƱo Jr. na sya ring acting head ng tanggapan ng ENRO.

          Mas higit itong naging malawig sa tulong ng mga kawani ng kapitolyo, LGUs, mga guro at mag-aaral, NGOs at POs, miyembro ng 4Ps, mga kababaihan, pribadong kumpanya at ng buong mamamayan ng Quezon.










Thursday, June 28, 2012

Pandaigdigang Child-Free Labor Idinaos sa Catanauan

          Kaisa si Bokal Bunso sa nagpahayag ng suporta na maging "Child-Free labor" ang Lalawigan ng Quezon.   Maigting ang panawagan ng mga pinagsama-samang sektor ng pamahalaan at pribadong sektor para makamtan ng mga batang Quezonians ang pinapangarap na pagpapalaya sa mga menor de edad na mangagawa.    

          Sinabi ng International Labour Organization (ILO) na mahigit 400 bata ang sangkot sa child labor sa bayan ng Catanauan.   Sila ay kalimitang matatagpuan sa bukid, pabrika at mga tindahan.

          Si Bokal Bunso ang naging author ng mga Memorandum of Agreements (MOA) ng ILO, PSWDO, DepEd, LGUs, at iba pang sektor sa Sangguniang Panlalawigan.   Sinabi din nya sa kanyang pananalita na nakahanda syang sumuporta sa mga batas na maaring pagtibayin sa Sanggunian at makapaglaan ng budget ukol dito.








Tuesday, June 19, 2012

Inagurasyon ng Computer Lab. Bldg. sa PUP Mulanay at pagdalaw ni Cong. Jack Enrile

          Binasbasan ang gusali ng Computer Laboratory sa PUP Mulanay na bahagi ng Serbisyong Suarez sa Edukasyon.   Ito ay pinangunahan ni Gov. JayJay Suarez at ng mga bokal, kabilang na si Bokal Bunso.   Naging panauhin din si Cong. Jack Enrile na anak ni Senator Juan Ponce Enrile.

          Nagkaroon muna ng programa kasama ang mga kapitan, magsasaka at mangingisda ng 12 bayan sa BonPen sa Mulanay Covered Court bago tumungo sa PUP Campus para sa nasabing inagurasyon.








Monday, June 4, 2012

Patuloy na Suporta sa Brigada Eskwela

          Mahigit walong (8) taon na ang nakalipas simula ng ilunsad ang programang Brigada Eskwela ng DepEd, simula noong 2004, naging bahagi na rin ng Tanggapan ni Bokal Bunso ang tumulong sa mga paaralan at mga kabataan sa pamamagitan ng kanyang programang "Isang Lapis, Isang Papel".

          Bukod sa mga construction materials na kanyang ipinamahagi sa iba't ibang paaralan upang mas maging kaayaaya ang pag-aaral ng mga kabataan at pagtuturo ng mga guro, nagbahagi din ng mga school supplies si Bokal Bunso sa mga mag aaral ng Agdangan Central Elementary School sa pamamagitan ni Kon. Darwin Conchada.