Bahagi ng Nego-Diskarte Program ni Bokal Bunso ang isinagawang Table Skirting at Team Building ng mga Barangays sa Padre Burgos noong May 22, 2012 sa Municipal Covered Court ng nasabing bayan.
Simpleng gawain subalit mapapakinabangan at malimit na gawain sa barangay ang mga pagtitipon-tipon, kung kaya't inanyayahan ni Bokal Bunso si Kon, Yvonne Mascardo ng Lopez, Quezon upang magbahagi ng kanyang kaalaman sa table skirting. "Hindi kayo mapapahiya kahit Pangulo pa ng Pilipinas ang inyong maging bisita" iyan ang wika ni Kon. Yvonne. "Sa ibang barangay ng aking mga naturuan ito ay napapagkakitaan na rin", dagdag pa niya.
Binigyan ni Bokal Bunso ng panimulang 10 yarda ng tela at mga kagamitan ang bawat grupo para sa bagong livelihood project sa kabarangayan. Ito ay maaaring gamitin sa halos lahat ng okasyon, maging seminar, binyagan, kaarawan, graduation, kasalan at iba pa. Ang mga KALIPI ng barangay ng Marao, Yawe, Danlagan, San Isidro, Burgos, Kinagunan Ibaba, Kinagunan Ilaya, San Vicente, Villa Paz, Duhat, Hinguiwin, Cabuyao Norte ang mga naging delegado sa naganap na gawain.