Wednesday, August 31, 2011

Paghahanda para sa Sabayang Pagtatanim sa Highway ng BonPen


          Tumugon ang mahigit 300 kapitan at brgy. officials ng BonPen sa pagpupulong na pinatawag ni Bokal Bunso para gagawing sabayang pagtatanim ng puno sa highway ng BonPen.   Sumuporta din ENRO, DPWH at Quezelco I sa nasabing gawain. 






Saturday, August 20, 2011

SK Leadership Congress and Planning Workshop ng Bayan ng Pitogo

      Muling naanyayahan si Bokal Bunso na maging tagapagsalita sa ginanap na SK Leadership Congress and Planning Workshop noong August 20, 2011 sa Ouans Worth Farm, Lucena City para sa mga bagong halal na Sangguniang Kabataan mula sa bayan ng Pitogo.

           Matatandang si Bokal Bunso ay naging Pangulo ng Sangguniang Kabataan sa buong Lalawigan ng Quezon noong 1996 - 2002 at nagawaran ng Outstanding SK sa buong bansa.  






Friday, August 19, 2011

Pagunita sa 133 Kaarawan ni dating Pangulong Luis Quezon

          Taon-taon ginaganap ang pagunita kay dating Pangulong Manuel Luis Quezon bilang ama ng Lalawigan ng Quezon at dahil dito ang probinsya ay nagsasagawa ng pag aalay ng bulaklak tanda bilang pagkilala at pasasalamat.  Taos puso ang naging pagtaggap sa mga  panauhin ng lalawigan  na sina Senator Ramon Revilla at Chiz Escudero sa nakaraang August 19, 2011.







Tuesday, August 2, 2011

Pamamahagi ng Pintura sa mga Paaralan

          Ang pagkalinga sa mga paaralan ay malapit sa puso ni Bokal Bunso, kung kaya't tuluy-tuloy ang kanyang pamamahagi ng kagamitan para sa paaralan, ilan na dito ang mga pintura para sa pagsasaayos ng iba't ibang eskwelahan sa BonPen.  Ang gawain ito ay bahagi din ng Brigada Eskwela.

             Tumanggap ang mga sumusunod na paaralan:

              Amontay Elementary School ng Macalelon
              Lahing Elementary School ng Macalelon
              Bondoc Peninsula Agricultural High School (BPAHS) ng Mulanay
              San Isidro Elementary School ng Catanauan
              Rizalino Elementary School ng Pitogo
              Caigdal National High School ng Unisan