Si Bokal Lourdes C. de Luna-Pasatiempo ang naging Panauhing Tagapagsalita sa Ika-62 Pagtatapos ng Enverga University Catanauan kung saan sya ay isang alumna. Dito sya nag-aral ng kinder hanggang high school at bahagi ng Batch '91.
Pinasalamatan nya ang kanyang mga dating guro na naging bahagi ng paghubog sa kung ano sya ngayon. Kinilala din nya ang mga panauhin na kanyang mga naging mentors noong sya ay student assistant sa kolehiyo. Inilahad nya ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay at hinikayat nya ang mga nagsipagtapos na ipagpatuloy ang pagkamit ng mga pangarap sa buhay.