Wednesday, November 3, 2010

Botika sa Barangay

Botika sa Barangay (BsB)

Ang Botika sa Barangay ay programa ni Bokal Bunso sa Kalusugan na naglalayon na makapagbigay ng income sa barangay ganun din ang mag bigay ng mura at epiktibong gamot sa mga pasyente. Ang opisina ni bokal bunso ay magbibigay ng halagang limang libong pisong halaga ng mga gamot at ito ay magiging sisimula ng kanilang botika. Ang Sangguniang Barangay na ang siyang bahalang mag paunlad ng Botika sa Barangay. 

Ang mga unang barangay na nagkaroon ng Botika sa Barangay ay ang Busok-busokan, San Narciso; Casay, San Francisco at  Patabog, Mulanay;  Ang mga barangay na nabanggit ay mga malalayong barangay at dumaan sa proseso na screening, consultation, orientation, interview at MOA signing sa pagitan ng Barangay at Opisina ni Bokal Bunso upang kanilang mapaunlad ang Botika.

Ang mga gamot na ibinahagi ay mga over-the-counter medicine mga gamot na pwedeng bilhin kahit walang reseta ng doktor. Ang programang ito ay patuloy parin isinasagawa.