Wednesday, October 13, 2010

Compact Farming Demo, Catanauan, Quezon

Ang BonPen Tourism Council (BPTC) at  Office of the Provincial Agriculturist ay nag sagawa ng Compact Farming sa bayan ng Catanauan upang i demo kung paano simulan ang  pagtatanim ng mga gulay tulad ng Ampalaya, Sitaw, Mustasa, Kamatis, talong, at iba pa. Ang layunin nito ay mag karoon ng makakain na gulay sa mga bakuran ang bawat pamilya  at maiwasan ang kagutuman. Ganun din ang mairesiklo ang mga plastik dahil ang mga plastik na supot ang siyang gagawin na taniman ng mga halaman. 

Ang programang ito ay patuloy parin isinasagawa sa bawat bayan maging barangay o paaralan man ito. Kung nais po ninyong mag karoon ng Compact Farming sa inyong lugar makipag ugnayan lang po sa Opisina ni Bokal Bunso at BonPen Tourism Council (BPTC)






Tuesday, October 5, 2010

BPTC Orientation on Sustainable Tourism Master Development Plan

Isinagawa ang Orientation on Sustainable Tourism Master Development Plan noong Oktubre 5, 2010 sa Bulwagang Kalilayan, Lucena City sa pangunguna ng Bluewater Consultancy na pinamumunuan nina Luis at Chen Mencias.

Mga Punong Bayan ng ikatlong distrito ang mga naging delegado sa pagpupulong na ito na naging daan din sa konsultansyon pag dating sa importansya o kahalagahan ng pagkakaroon na sustainable tourism master plan sa isang bayan. Inilhad ni Gob. David "Jay Jay" Suarez ang paghanga at pagsuporta sa labing dalawang bayan ng Bondoc Peninsula sa pagpapaunlad ng turismo sa lalawigan.