Wednesday, November 14, 2012

Unlad Barangay at Agrikultura sa San Francisco


Katuwang ni Bokal Bunso si Congresswoman Aleta Suarez sa kanyang pagpapatupad ng Unlad Barangay at Agrikultura, sila ay sabay na bumisita sa bayan ng San Francisco.  Lahat ng 16 na barangays ng nasabing bayan ay nakatanggap ng 50 supot ng semento buhat sa Serbisyong Suarez at 20 supot ng semento naman mula sa i love BUNSO Program.


Ipinaliwanag ni Bokal Bunso sa bawat barangay ang mga tungkulin ng isang bokal o kinatawan sa Sangguniang Panlalawigan. Ganoon din ang iba't-bang programa niya sa distrito na nakapaloob sa i love B.U.N.S.O. na ang ibig sabihin ay:

                   B - onPen Tuklasin (Tourism and Environment)
                   U - nlad Barangay at Agrikultura (Barangay Dev't. and Agriculture) 
                   N - ego Diskarte (Livelihood)
                   S - alin Kaalaman (Education and Youth)
                   O - plan Kalusugan (Health)



 Naging panauhin din si Bokal Romano Franco Talaga ng Ikalawang Distrito ng Quezon.






Monday, November 5, 2012

BonPen Festival 2011 Agri-Tourism Trade Fair Awarding

Tinangap ng tatlong bayan sa BonPen ang premyo na kanilang nakamit sa nakaraang BonPen Festival 2011 Agri-Tourism Trade Fair bilang suporta sa higit na pagsasaayos ng kanilang One Town One Product o OTOP.   


First Placer: San Narciso
Coco-sap Vinegar, Dried Fish (tuyo) at Coco-Sugar
P100,000.00




Second Placer:  Padre Burgos
Rafia, Insumix at Wood Furniture
P75,000.00





























































































































































































Third Placer:  Gen. Luna
Organic Pineapple, Pineapple Jam at Uraro Cookies 
P50,000.00
                        

Wednesday, October 24, 2012

Unlad Barangay at Agrikultura sa Pitogo

Sa gitna ng Bagyong Ofel ay tuloy pa rin ang programang i love B.U.N.S.O.  

Hindi nagpapigil ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay mula sa 39 na barangays ng Pitogo sa pangunguna ng kanilang mga kapitan kasama ang ilang samahan kagaya ng  day care workers, KALIPI, 4Ps at PTA sa inihandang pamamahagi ng Unlad Barangay at Agrikultura sa kanilang bayan.

Ilan sa kanilang mga kahilingang natanggap ay semento, yero, jetmatic pump, weighing scale, toilet bowl, durabox, nebulizer, BP apparatus, pintura at monoblock chairs.













Naging katuwang din sa nasabing programa ang Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultura sa pamamahala ni G. Roberto D. Gajo na namahagi ang din ng kagamitang pansaka kagaya ng knap sack sprayers para sa 39 na barangay ng Pitogo.








Thursday, October 11, 2012

Recognition Day ng Klase Mandirigma at Talim-Bayan

Naging panauhing tagapagsalita si Bokal Bunso para sa Klase Mandirigma at Talim-Bayan na ginanap sa Camp Guillermo Nakar, Lucena City, October 11, 2012.

 



 







Mabuhay ang Class Mandirigma at Talim-Bayan ng Philippine National Police Quezon! Dangal kayo ng ating bayan!